Having been a love team for almost two years now, Seth and Andrea said the closeness everyone see in “Sethdrea” onscreen is there even in real life.
On March 12, Seth posted a greeting for his Ali on Instagram, writing, “Happy 18th to my Ali, @blythe! Wish you the grandest day yet because you deserve the world and more.”
Seth had shared with Metro a longer and more kilig message for Andrea. (Read it here: Seth’s full message for Andrea)
In an exclusive interview with Metro Style, the two shared what they like most about each other.
Seth said, “Ano’ng gusto ko kay Blythe o kay Ali? Gusto ko ‘yung pagiging mabait n’ya. Mabait s’ya hindi lang sa’kin, sa pamilya n’ya pati sa ibang tao. Tapos ‘yung pagiging malambing n’ya. Tapos ‘yung inspirasyon n’ya, paano n’ya pinapahalagahan ‘yung isang bagay. May isa kasi s’yang goal eh. Kung ano ‘yung goal n’ya ngayong edad n’ya, du’n s’ya naka-focus.
“So, ‘yun ‘yung gusto ko sa kanya. Alam n’ya kung saan s’ya papunta. Gumagawa s’ya ng sarili n’yang daan. Hindi s’ya nalilihis ng daan… At maka-Diyos si Ali. Kahit sobrang kulit n’ya, talagang batang-bata, ‘di mo makikita, lalo na ‘pag ‘di mo s’ya kilala, mayroon pala s’yangside na ganito.
“18 ka na, ako magna-19, asahan mo andito pa rin ako, iga-guide kita, magtulungan tayo. ‘Yun lang. God bless. Sana matupad mo lahat ang dreams mo. Andito lang ako. At sana Ali, ako ‘yung kasama mo ‘pag natupad mo na lahat ng dreams mo. Gusto kong maging saksi du’n.”
Andrea shared she regrets that she wasn’t able to introduce Seth to her Daddy Jun, her grandfather figure who passed away in 2019.
“Siguro ang pinaka-regret ko lang, sa totoo lang, hindi ko napakilala si Seth sa lolo ko. Hindi niya inabutan ‘yung lolo ko. Feeling ko magugustuhan ng lolo ko si Seth. Sinabi ko kay Seth, sa totoo lang, kahit gaano kagulo ‘yung buhay ko, ‘yun ‘yung pinaka-pinagsisisihan ko. Hindi kita napakilala. Nu’ng burol ng lolo ko, lagi niya akong tsine-check kung kamusta ako, ganyan. Siya ‘yung nagtsi-cheer up sa akin, tapos ‘yung lola ko sinasabi na i-invite ko si Seth. Ako nahihiya. Pero ngayon na close na kami, nu’ng kinwento ko sa kanya na ‘alam mo ba dapat i-invite kita?’ Sabi niya, ‘Sana in-invite mo ako.’ Ngayon, du’n ako nagsisisi, na oo nga, sana in-invite ko siya. Sana man lang nakita niya, kahit na nasa casket na ‘yung lolo ko.”, she said.
READ MORE HERE:
In Their Own Words, Andrea Brillantes And Seth Fedelin Share What They Like Most About Each Other