Seth Fedelin, trending dahil sa husay sa acting

Muli na namang trending si Seth Fedelin dahil sa husay nito sa pagdala ng role nya sa ‘Huwag Kang Mangama’ bilang Pio Estopacio.

Sa huling tatlong linggo ng hit teleserye na ‘Huwag Kang Mangamba’, intense ang mga kaganapan at isa na sa mga inabangan dito ay ang pagkakadakip kay Pio (ginagampanan ni Seth Fedelin) ng mga deboto ni Deborah para pahirapan siya. Matinding bugbog ang tinamo ni Pio nang mahuli siya ng mga deboto ni Deborah.

Panoorin ang video:

Pinilit ni Pio na makatakas sa mga kampon ni Deborah ngunit nabigo sya.

Maraming netizens ang nakapansin ng improvement ni Seth Fedelin sa pag arte.

“Grabe and laki na ng improvement ni Seth Fedelin when it comes to acting!” ani ng isang netizen sa YouTube.

Tinawag naman na “Next bankable loveteam” ang SethDrea ng isang netizen.

Nag trending din sa Twitter ang aktor dahil sa galing nito sa pagdala ng kanyang karakter.

2 thoughts on “Seth Fedelin, trending dahil sa husay sa acting”

Leave a Comment