Andrea Brillantes, trending sa Tiktok

Viral ngayon sa video sharing platform na Tiktok ang video ni Andrea Brillantes kung saan makikita siyang humahataw matapos ang kanyang performance sa ASAP Natin ‘To.

@blythe

May mga tao sa dressing room di ako makapag all out hahaha ##fyp

♬ YOU AND ME – Austin Ong

Dahil din sa nasabing video ay kinagiliwan online ang nakatutuwang post ng netizen na si Alisajem Mendoza kung saan nagawang i-edit ni Mendoza ang kanyang mukha sa video ni Andrea na sumasayaw gamit ang Tempo App.

@alisajpm

hoyy nag try lang naman ako pero bat ang gandaaaaa HAHAHAHAH ##fyp ##fypシ ##foryou ##andreabrillantes ctto : @blythe

♬ original sound – KPT×MOOSHI

Eto ang sinimulan ng #BlytheApocalypse Trend sa Tiktok na ngayon ay mayroong 3,722 videos.

Image: Tiktok

Sa isang Facebook post ni Andrea, tila takang taka ang dalaga sa dami ng “Andrea” nakikita nya sa Tiktok.

“Ano pong meron? Bakit ang daming Andrea sa Tiktok? 😭😂#BlytheApocalypse” saad nya.