Andrea Brillantes, umabot na sa 15M followers ang TikTok

Kamakailan lang ay pumalo na sa 15M followers ang Tiktok account ni Andrea Brillantes kung saan isa siya sa pinaka-sinusundan ng mga taganga sa TikTok Philippines. Bukod pa rito, una nang nakilala ang aktres sa kanyang musical.ly account noon kung saan kinilala rin siya bilang ‘Musical.ly Queen ng Pinas’ ng kanya mga fans.

Panooorin ang bago niyang TikTok:

@blythe

Ito nanaman tayo zack apaka galing mo talaga #fyp

♬ Habang Buhay – Zack Tabudlo

Kasabay pa nito ay ang kanyang dance video kung saan umabot na sa 1M views at halos 200,000 na likes sa Instagram ang kanyang pagsayaw sa training center ng G-force.

Ayon kay Andrea, ngayon lamang siya nakabalik ulit ng dance studio matapos ang 2 taon. Namiss rin niya ang pagsayaw kaya naman sinigurado niyang babalik siya kapag nagkaroon ulit siya ng libreng oras. Kasama niya ang kanyang teacher na si Leana Tabunar, isa ring kilalang Tiktok dancer at trainor sa G-force. Si Leana rin ay kaibigan ni Niana Guerrero, na isa sa most followed sa TikTok Philippines.

Leave a Comment